Tuesday, April 19, 2011

Punyeta! Bakit pati blogger tagalized na??!!

Dear Google,

Maraming salamat po sa mga naibigay nyo sa mundo, sa pamamagitan ng internet ay lumawak ang mundo ng bawat pilipino na may access dito. Pero kung maari lang po, kung puwede lang...

HUWAG N'YO NA PO I-TRANSLATE LAHAT NG SERVICES N'YO SA TAGALOG!

Hindi po nakakatulong ang translation, dadgdag kalituhan lang po sya sa karamihan ng mga pinoy 'netizens', at sa totoo lang nakaka-insulto sa lahat ng Pilipino, excuse us lang po, MARUNONG PO KAMI MAG-INGLES!

Buti sana kung madali lang ibalik sa ENGLISH mode yung mga sites and services ninyo... HINDI EH! Bawat ibang service - iba ang paraan para maalis ang pagka-tagalized!


So please lang po, tama na yang regionalization, in the long run it will lead to marginalization and tribal mentality instead of true globalization...

SEE!!! Naubusan ako ng tagalog (Ran out of tagalog) and promptly reverted back to my native writing tongue (ENGLISH).


Sigh....
/rant off

Chielectric!

No comments: